“Let’s be friends.”
Ironic di ba? Pagkatapos niyang dukutin ang puso mo, hugutin palabas ng ‘yong dibdib, pagpirapirasuhin na parang kinatay na karne, at itinapon sa alikabukan, na-atim pa niyang sabihing “Let’s be friends.”
Friends? Para ano? Para kapag nagkita kayo, eh obligado kang mag-smile ng ubod ng saya - kahit na pinipilit mong itago ang sakit ng saksak ng malamig na punyal sa iyong dibdib. At babati ka ng “Hi!” na punong-puno ng buhay pero ikaw, unti-unti ka nang namamatay. Sino bang hindi mamamatay sa saksak ng punyal?
Friends? Sige nga, honestly, pwede mo bang i-friend yung taong sa tuwing nakikita mo eh lalo ka lang nai-in love? Na kahit saan ka malingon nakikita mo siya. At pati pabango niya amoy mo kahit imposibleng nasa vicinity siya, kasi nasa kwarto ka lang, nagmumukmok.
Bitter na kung bitter! Eh putek! Handa ka nang gawin lahat, kahit pahintuin pa ang oras. Tinanggap mo na nga na bakla si Neil Patrick Harris eh. Tapos eto na, ibibigay mo nang lahat-lahat para sa pag-ibig! Pag-ibig in the flesh! Pero ano? Wala! Binalewala na parang charing!
Friends? Para ano? Para andyan ka, kahit papaano mababantayan mo siya, para kahit papaano meron kang karapatang mag-alala. Friends. Para kahit papaano pwede mo siyang mahalin, at maambunan ka ng pagmamahal, kahit friend na lang.
“Lets be friends.”
“Sige.”
(Source: nesmcpgl)
Tagged as: #bitter #friend zone #love
-
nesmcpgl posted this
